top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Baby Lady Falcons, dinagit na ang finals vs. NU-Nazareth

VA
Nov 8, 2019
1 min read

Muling pinataob ng Adamson University ang University of Santo Tomas, 25-17, 21-25, 22-25, 25-21, 15-11, upang maitakda ang kauna-unahan nilang finals appearance sa UAAP Season 82 Girls’ Volleyball Tournament noong Miyerkules sa Paco Arena.

Nagsimulang makaramdam ng leg cramps sa kalagitnaan ng laro, nakuha pa ring umiskor ni Kate Santiago ng 26 puntos mula sa 19 na attacks, 4 na service aces at 3 blocks upang pamunuan ang Baby Lady Falcons.

Inaasahan ng Adamson na madadala nila ang nakuhang momentum sa stepladder semis sa pagharap nila sa National University-Nazareth School sa Finals na magsisimula sa Linggo ganap na alas-12:00 ng tanghali sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Binura ng Baby Lady Falcons ang twice-to-beat advantage ng second seed Junior Tigresses noong nakaraang Linggo sa pamamagitan ng 22-25, 25-23, 25-16, 25-20 paggapi sa huli.

“‘Yung mga players ko ang magde-decide if they want to win. Hayun, nag-respond sila, talagang gusto nila, hindi sila nag-give up. Nilabanan nila ang team hanggang sa dulo,” ani Adamson University coach Lerma Giron.

Pinangunahan ng substitute na si Samantha Maranan ang UST sa itinalang 18 puntos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page