Aprub at suportado ng KathNiel at AshMatt fans… Sarah at Daniel movie, game na!
- Nitz Miralles
- Nov 8, 2019
- 1 min read

Nitz Miralles / Bida
Mukhang matutuloy na nga ang tambalan sa pelikula nina Sarah Geronimo at Daniel Padilla under Star Cinema dahil noong isang araw, bumisita ang Pop Princess sa office ng ABS-CBN Film Productions. Inilatag siguro kay Sarah ang movie project nila ni Daniel.
Nauna nang bumisita si Daniel sa Star Cinema Office at doon nga unang kumalat ang tsikang magtatambal sila ni Sarah. Waiting na ang mga fans kung ano’ng tema ng pelikula ang pagtatambalan nina Sarah at Daniel.
Dahil contract star ng Viva Films ang magaling na singer, ibig sabihin nito, co-produced ng Star Cinema at Viva Films ang Sarah-Daniel movie. Nangako na ng suporta sa pelikula ng dalawa ang KathNiel fans nina Daniel at Kathryn Bernardo at ang AshMatt fans nina Sarah at Matteo Guidicelli.





Comments