top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Vp Leni, kumasa na sa hamon ni P-Du30 na maging anti-drug queen

  • Ka Ambo
  • Nov 7, 2019
  • 1 min read

Tinanggap na ni VP Leni ang “kunwaring” alok bilang anti-drug queen.

Siyempre, kunwari rin ang kanyang pagtanggap!

◘◘◘

MAHIRAP talagang mabuhay sa gitna ng mga mapagbalatkayo.

Plastik vs. plastik!

◘◘◘

PINATAY ang isang huwes sa La Union.

Nauna rito, tinepok ang isang labor arbiter sa Maynila.

Isang pulis naman ang tinodas sa Kyusi.

Ito ay naganap sa magkakasunod na araw!

◘◘◘

MAKIKITA na “wala nang batas” sa ‘Pinas.

Wala kasing hepe ang Pambansang Pulisya!

◘◘◘

HINDI na natatakot ang mga kriminal na gumawa ng karumal-dumal na krimen.

Ito ay naganap sa buong bansa — Metro Manila man o hindi!

◘◘◘

HINDI na dapat itengga ni P-Digong ang pagtatalaga sa bagong hepe ng PNP.

Senyales ito ng kahinaan ng kanyang disposisyon!

◘◘◘

ANG pagtengga ni P-Digong sa pagtatalaga ng hepe ng PNP ay repleksiyon ng paghina ng kayang liderato.

Dapat nananatiling malinaw ang disposisyon ni P-Digong.

Hindi siya dapat nagpapadikta sa kanyang mga “amuyong”!

◘◘◘

DAPAT parusahan ang dalawang water distributor companies.

Niloloko nila ang publiko!

◘◘◘

NAKAKAAWA ang mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Marami pa rin ang nanlilimos!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page