top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Utol ni Anne, nakitang nakasakay sa kotse ng BF… Bianca, muntik sagasaan si Ruru sa sobrang selos ka

Vinia Vivar
Nov 7, 2019
2 min read

Ang masaya at matagumpay na red-carpet premiere night last Tuesday (Nov. 5) ng Cara X Jagger ay naha­luan ng kontrobersiya at intriga dahil sa ba­litang pagkakaroon ng mainit na pag­tatalo nina Bianca Umali at Ruru Madrid.

Sina Ruru at Jasmine Curtis-Smith ang bida ng Cara X Jagger. Ginanap ang premiere night sa Cinema 1 ng SM Megamall kung saan ay dumalo rin si Bianca bilang suporta.

Medyo matagal-tagal na ring nali-link sina Bianca at Ruru at marami umano ang nakakaalam na talagang may relasyon sila, pero matigas nila itong idini-deny.

After the premiere night ay marami ang nakasaksi ng insidente sa parking lot ng Me­gamall. Ang tsika sa amin ng isang eye­witness, nakita ni Bianca si Jasmine na nakasakay sa sasakyan ni Ruru, pero kasama naman umano ang direktor ng movie na si Ice Idanan, pati na ang handler ni Jas. Papunta sila sa cast party para sa pelikula, ayon sa aming source.

Nang makita umano ni Ruru ang sa­sakyan ni Bianca sa parking lot, nilapitan ng aktor ang rumored girlfriend, pero ang nangyari raw ay nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa, hanggang sa naitulak pa umano ni Bianca ang aktor.

Pagkatapos daw nito ay sumakay sa kanyang sasakyan si Bianca, saka pinaha­rurot at akmang sasagasaan pa si Ruru.

Marahil daw ay nagselos si Bianca nang makitang nakasakay si Jasmine sa sasak­yan ng aktor kaya siya nagalit kay Ruru. Bukod pa rito, hinihinalang nagselos din ang young actress sa matatamis na eksena ng dalawa sa pelikula.

Pero ayon naman sa aming source, sumakay sina Jasmine at Direk Ice sa sa­sakyan ni Ruru para sabay-sabay na silang pumunta sa cast party since walang dalang car ang aktres.

Noon pa ay may tsika na talagang selosa si Bianca at madalas nga raw itong magselos kay Jasmine habang ginagawa pa ang Cara X Jagger. Pero ayon naman sa another source na nakausap namin, walang dahilan para magselos si Bianca kay Jasmine dahil parang nakababatang kapatid lang daw ang tingin nito kay Ruru and besides, may boyfriend ang aktres na mahal na mahal niya.

Anyway, bukas ang aming pahina para sa sariling panig ng mga taong sangkot sa kuwento.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page