top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Tita na nag-aalala sa pamangkin na puro sayaw at ayaw mag-aral

  • Roma Amor
  • Nov 7, 2019
  • 1 min read

Dear Roma, Ako si Erlinda at may pamangkin akong 22-anyos na itinuring kong anak, ako rin ang nagpapaaral sa kanya. Sumulat ako sa inyo dahil nangangamba ako para sa kinabukasan niya. Hilig niya ang pagsayaw, gayundin, lumalaban sila sa mga dance contest. Dahil dito, mas inaatupag niya ang pagsasayaw kesa sa pag-aasikaso ng kanyang enrollment sa kolehiyo. Roma, natatakot ako baka hindi siya magpatuloy sa pag-aaral sa kolehiyo, gayung katatapos lang niya sa ALS o Alternative Learning System. Paano ko siya makukumbinsi na mag-enroll? – Erlinda

Erlinda, Kung gusto mong magpokus sa pag-aaral ang pamangkin mo, ipaliwanag mo sa kanya na kasabay ng paglaban niya sa mga dance contest, dapat din niyang atupagin ang kanyang pag-aaral dahil pagdating ng panahon, higit niyang mapakikinabangan ang kanyang pinag-aralan. Gayundin, kailangang ninyong magkasundo na hindi niya pababayaan ang kanyang pag-aaral nang sa gayun ay makasigurado ka na hindi masasayang ang pagsisikap mo na mapag-aral siya. Good luck!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page