Mga estudyante, suki.. Principal tulak, arestado

Tiklo ang isang principal sa pagbebenta ng ilegal na droga sa Maguindanao.
Kinilala ang suspek na si Nasser Kali Tando, 54, principal ng Miramar Elementary School at residente ng Bgy. Poblacion 2, Parang, Maguindanao.
Ayon kay Parang Chief of Police, Lieutenant Colonel Ibrahim Jambiran, nagsagawa sila ng buy-bust operation sa loob mismo ng paaralan.
Nagpositibo sa test buy ng shabu sa police assets ang suspek kaya agad sinalakay ng mga awtoridad ang kanyang tanggapan.
Nakuha sa posisyon ng principal ang apat na sachets na naglalaman ng shabu, marked money at drug paraphernalias.
Napag-alaman na suki ng principal ang mga estudyante.





Comments