top of page
Pokwang.jpg

Kontra narcopolitics.. Drug test sa lahat ng Cong.

Jeff Tumbado
Nov 7, 2019
1 min read

Ipinupursige ng ilang kongresista na maisailalim sa random drug test ang lahat ng mga miyembro ng House of Representatives.

Sa pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs, inilatag ni Rep. Elpidio Barzaga, Jr. ang panukalang ito sa gitna na rin ng mainit na usapin ng narcopolitics.

Pati ang mga gobernador hanggang sa mga opisyal ng barangay ay iminumungkahi na maisalang din sa random drug testing.

Sa ganitong paraan, ayon kay Barzaga ay maibabalik ang tiwala ng taumbayan sa mga opisyal.

Tiniyak naman ni Asec. Gregorio Pimentel, na handa silang sumuporta sa hakbang na ito.

May nauna na ring inihaing House Resolution 1 si Rep. Robert Ace Barbers na nag-aatas sa mga mambabatas at kanilang staff na sumailalim sa mandatory drug test.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page