Hindi kailangang magtiis... Tips para mawala ang dysmenorrhea

Lahat tayo ay may kani-kanyang ‘bad days’, pero para sa ilang kababaihan, ‘monthly menstruation’ ang isa sa mga ito, ‘yung tipong mapapasabi na lang sila na, “ang hirap talagang maging babae!” Bukod sa pagiging emosyunal, mood swings, cravings at iba pa, period cramps ang isa sa mga kalaban ng bawat kababaihan na nakararanas ng buwanang dalaw.
Worry no more dahil narito ang ilan sa mga paraan para maiwasan ito:
1. MAGLAGAY NG HEATING PAD. Isa ito sa mga itinuturing na ‘old school trick’ na epektib para sa ilan. Gamit ang heating pad, hot compress o bote na may lamang katamtamang init ng tubig, ipatong ito sa puson. Ang init na mula rito ay nakatutulong para ma-relax ang kalamnan o mabawasan ang sakit na nararamdaman.
2. UMINOM NG PAINKILLERS O ANTI-INFLAMMATORY MEDS. Ang analgesic meds ay nakatutulong para tumigil ang produksiyon ng prostaglandin ito ay fatty acid na isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng period cramps.
Tandaan, bago uminom ng painkillers, siguraduhing walang allergy sa mga ito at magtanong sa doktor para makasigurado. Ilan sa mga analgesic o anti-inflammatory meds ay aspirin, ibuprofen at naproxen. Ang ibuprofen at naproxen ay epektib din para maging light lang ang flow ng mens.
3. GUMAMIT NG ANION SANITARY NAPKINS. Ang sanitary napkins na mayroong anion strips o negative ions ay napatunayang nakababawas ng matinding menstrual cramps kumpara sa karaniwang sanitary napkins.
4. MAG-TAKE NG ORAL CONTRACEPTIVES. Bukod sa pagbabalanse ng hormones, nakatutulong din ang birth control pills para numipis ang lining ng uterus na ang resulta ay hindi gaano o mas kaunti lamang ang kirot na nararanasan ng kababaihang nagte-take nito. Ito ay dahil napadadali nito ang pagdaloy ng dugo.
Gayunman, hindi ito basta tine-take, kailangang magpakonsulta muna sa doktor bago sumubok nito dahil bukod sa hindi ito over-the-counter (OTC) meds, marami itong posibleng side-effects na dapat ikonsidera.
5. MAGPAHID NG CALENDULA OIL. Ang calendula oil ay natural oil extracted na mula sa bulaklak na marigold. Karaniwan itong ginagamit bilang alternatibong antifungal, anti-inflammatory at antibacterial properties o mabisang panggamot sa sugat, eczema at diaper rash pero meron din itong muscle-relaxing compound para maiwasan ang period cramps.
Maaari itong gamiting pang-massage o ipahid lamang ito sa puson o sa anumang apektadong bahagi at sa loob ng 20 minuto, posible nang mawala ang pananakit ng puson.
Ang menstrual cramps ay maaaring maging super sakit at nakakairita, pero hindi deserve ng girls ang sobrang pain, kahit parte ito ng ating pagiging babae.
So, kesa magtiis mag-try ng mga remedyo para maiwasan ang sakit.
Well, ‘ika nga nila, bakit nagtitiis? Ganern!





Comments