top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

BF, kaya 'di rin daw niya ikinakahiya… Sigaw ni Vice: Ion, proud na proud sa akin, todo-post sa

  • Ronalyn Seminiano
  • Nov 7, 2019
  • 1 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Photo: @perezion27_

Kinumpirma na ni Vice Ganda na 1 year na silang magkarelasyon ni It’s Showtime’s Kuya Escort Ion Perez.

Sa isang interview, sinabi ni Vice na napakasaya niya sa freedom na meron sila dahil open na sa publiko ang kanilang relasyon ni Ion.

Aniya, “It’s liberating, mas masarap kumilos, hindi nakakangawit. Wala kang iniisip, mas nai-enjoy namin ang buhay.

“Dati, ‘yun ang parang iniinda kong sakit, eh, ‘yung parang hindi naman ako kayang ipagmalaki ng mga lalaking nakakarelasyon ko, minamahal ko. Tapos, sabi ko,‘yung nararamdaman kong ganu’n, bakit ko ipaparamdam kay Ion na hindi ko siya mai-out, hindi ko masabi nang direktahan? Kasi siya ang nauna, eh, siya ‘yung mga nagpo-post sa Instagram noon pa. Ako, bihira, eh.”

Dagdag pa ni Vice, “Deserve ni Ion ‘to, kasi mabuti naman siyang tao. So, bakit ko naman siya ikahihiya?”

Hindi man binanggit ng Unkabogable Star kung every 25th day ba talaga ang kanilang monthsary, ang mahalaga ay nangyari na rin ang pag-amin niya sa totoong estado ng relasyon nila ni Ion.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page