top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

55 lying-ins, pasok sa standards ng DOH

BRT
Nov 7, 2019
1 min read

Limampu’t limang lying-in clinics ang pinagkalooban ng Seal of Excellence Award sa pagiging fully compliant sa standards ng Department of Health (DOH).

Bahagi ito ng implementasyon ng city ordinance para mapababa ang mga insidente ng pagkamatay sa panganganak.

Hinamon naman ni Mayor Joy Belmonte ang mga clinic at iba pang organisasyon na gawing 100 porsiyento ang compliance rate sa susunod na taon.

Ayon kay Dr. Esperanza Anita Escano-Arias, posibleng makamit ang 100% compliance rate at Galing Pook qualification kung mananatili ang kooperasyon.

Samantala, ayon kay Claire Papa, head ng External Affairs at Social Partnerships Division, ang Unilab, Inc. ay matagal na umanong katuwang ng nasabing LGU at mga clinic upang maisulong ang pagpapataas ng antas ng serbisyong-medikal para sa mga ina at kanilang mga anak.

Nagkaroon naman ng lecture si Dr. Christia Padolina ng Philippine Obstetrical and Gynecological Society of the Philippines sa importansiya ng calcium carbonate sa mga buntis.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page