top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

4 na pulis, adik sa FB at mobile legends, sibak

  • Jeff Tumbado
  • Nov 7, 2019
  • 1 min read

Apat na pulis ang sinibak sa puwesto makaraang maaktuhang gumagamit ng cellphone sa kalagitnaan ng kanilang duty sa Isla ng Boracay sa Aklan.

Pinabalik sa mother unit sa Police Regional Office 7 ang mga pulis na sinasabing nagpe-Facebook at online game na Mobile Legends habang nasa oras ng kanilang trabaho.

Ayon kay PRO-Western Visayas Spokesperson Police Lieutenant Colonel Joem Malong, ang apat na pulis kabilang ang isang policewoman ay lumabag sa panuntunan laban sa paggamit ng cellphone sa oras ng duty.

Hindi muna pinangalanan ang mga nasibak na pulis.

Kaugnay nito, sinabi ni Malong na mahigpit ang paalala nila sa kanilang mga tauhan sa pagsunod sa patakaran at maging responsable sa kanilang tungkulin bilang alagad ng batas.

Kasalukuyang isinasailalim sa restrictive custody sa Personnel Holdings and Accounting Unit sa Regional Office at nahaharap sa kasong administratibo ang mga ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page