top of page
Pokwang.jpg

Posisyon na ibinigay kay VP Leni kontra droga.. Wa’ ‘wenta!

Mylene Alfonso
Nov 6, 2019
1 min read

Inaasahang magsasalita ngayong araw si Vice-President Leni Robredo upang magbigay ng komento hinggil sa inilabas na kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Sa isang press conference, sinabi ni Atty. Barry Gutierrez, spokesman ni Robredo na sa ngayon ay wala pang tugon dito ang Pangalawang-pangulo.

Giit pa ni Gutierrez, hindi umano seryoso ang ibinigay na puwesto ng Pangulo dahil ang naturang posisyon ay ‘non-existent’ batay sa Executive Order 15 na inilabas ng Palasyo sa pagtatatag ng ICAD.

“Walang power itong co-chair nitong ICAD. Hindi seryoso itong offer na ito. Clearly this is just a way to pass on ang mga pagkukulang nitong drug war dito kay VP Leni,” wika pa ni Gutierrez.

Nakakapagtaka rin aniya na sa halip na italaga bilang drug czar, itinalaga lamang si Robredo bilang co-chair nito katuwang ang pinuno ng Philippine Drug Enforcement Agency na si Chief Aaron Aquino, na ang ranggo ay undersecretary.

“Paano naman namin ite-take seriously ang ganitong order?” dagdag pa ni Gutierrez.

Lalong hindi rin aniya hiningi ni Robredo ang nabanggit na posisyon dahil kay Pangulong Duterte umano nagsimula ang usapin tungkol sa pagiging anti-illegal drug czar.

Matatandaang, pinuna ni Robredo ang war on drugs ng Duterte administration.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page