top of page
Pokwang.jpg

Pinasok sa bahay.. 16-anyos na dalagita niratrat, utas

Jeff Tumbado
Nov 6, 2019
1 min read

Patay ang 16-anyos na dalagita matapos pasukin at pagbabarilin sa loob ng bahay nito sa Bgy. Mandurriao, Iloilo City, kamakalawa.

Isang tama ng bala ng baril sa katawan ang tumapos sa buhay ng biktimang si Noemi Mana-ay habang pinaghahanap pa ang mga suspek.

Nabatid sa report kay Police Col. Martin Defensor, Jr., nasa kusina ang biktima nang pasukin at pagbabarilin ng mga salarin pasado alas-9:00 kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Mandurriao Police Precinct Commander Major Marlon Valencia, away ng angkan ang posibleng isa sa motibo ng krimen.

Napag-alaman na nakakulong ang ama ng biktima dahil nakapatay ito may tatlong taon na ang nakalilipas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page