top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Mga biktima ng lindol, nalason sa rasyon

Jeff Tumbado
Nov 6, 2019
1 min read

Nasa 29 na evacuees ng dalawang magkasunod na lindol sa Mindanao ang nalason sa pagkaing rasyon na ipinamamahagi sa loob ng evacuation center sa Bgy. Malabuan, Makilala, Cotabato.

Ayon sa nakarating na ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nangyari ang food poisoning nitong Lunes.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, matapos mananghalian ng mga evacuees ay nakaranas ang mga ito ng pananakit ng tiyan, pagkahilo at pagsusuka. Napag-alaman na pastel ang kinain ng mga ito.

Agad na dinala ng Regional Health Unit ng Department of Health ang mga apektadong evacuees sa Cotabato Provincial Hospital at Kidapawan City Hospital kung saan sampu sa 29 ay nananatili sa pagamutan.

Samantala, inaalam pa ng mga awtoridad kung saan galing ang ipinamahaging pagkain sa evacuation center.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page