Kusinero aresatdo sa shabu
Aklan—Isang kusinero ang inaresto ng pulisya nang makumpiskahan ng shabu kamakalawa sa Bgy. Manocmanoc, Boracay Island.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Mark Panganiban, residente sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad at nang pagbentahan ng shabu ni Panganiban ang mga operatiba ay agad itong inaresto sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Panganiban na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments