top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Gil’s magic, Johnny Be good para sa Dehadista

Ding Taboy
Nov 6, 2019
1 min read

RENDA at LATIGO

Aalagwa ngayong gabi ang walong karera na lalahukan ng Condition Race, Group Race at 2 Year Old Maiden Race at Condition Race Merged sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.

Kasabay nito hahataw ang dalawang Pick 5 at ang Winner Take All, Pick 6 at Pick 4 bukod pa ang Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six.

Sa Race 1 magsisimula ang 1st Pick 5 at paglalabanan ng mga kalahok na Undercover, Dedication at Shinshiro.

Labanang umaatikabo ang magaganap sa Race 2, maglalaban ang Ivana Mayroleks, Boy George, Den Deren Denden at Spandau Ballet at simula ng Winner Take All kasabay ng Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six.

Sa Race 3, nakalalamang ang couple entry na Bowties and Charms at Tool of Choice, Johnny Be Good na simula nang Pick 6.

Sa 2nd Pick 5 na gaganapin sa Race 4, nakalalamang ang Artikulo Uno laban sa Believable sa condition Race 22 sa Race 4.

Pinapatok ang Gil’s Magic sa Race 5 habang panegunda ang Nothing But D Truth sa Condition Race 16 na umpisa ng Pick 4.

Patok ang Universe habang magkakalaban ang Yes Kitty at River Mist sa Race 6.

Sa Race 7, nakalalamang ang Senior Lucas habang makakalaban ang Sky Hook, isama sa paratingan sa Trifecta at Quartet ang Runawayfromrosenot at Morning Breeze.

Sa Race 8, nakalalamang ang Kentucky Rain at makakalaban ang Tidal Wave, isama sa paratingan ang La Corona at Water into Wine.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page