Dilawan at DDS, kani-kanyang pakalat ng fake news!
FAKE NEWS NG DILAWAN, FAKE NEWS NG DDS—Uso na naman ang fake news kung saan ang tirada ng dilawan, bukod-tanging si P-Duterte lang daw ang lider ng mga bansa ang hindi binigyan ng FIFA (Fédération Internationale de Football Association) jersey, gayung ang katotohanan ay binigyan naman ito, pero nahuli lang.
Samantala, ang hirit naman ng mga DDS, kaya raw number 10 FIFA jersey ang ibinigay kay P-Duterte ay dahil ito raw ang pinakamagaling na lider sa mga bansa sa Asya na salat sa katotohanan dahil ayon kay FIFA President Gianni Infantino, ang number 10 jersey ay ibinibigay nila sa mga pangulo o head of state habang ang number 9 jersey ay ibinigay naman sa mga head of government. At kaya number 21 jersey ang ipinagkaloob kay Indonesian Pres. Joko Widodo ay dahil Indonesia ang host sa U-20 World Cup 2021, period!
◘◘◘
PARANG SINABIHAN NI DILG SEC. AÑO SI SEN. GORDON NA HUWAG NAGPAPANIWALA SA TSISMIS—Inihayag ni DILG Sec. Eduardo Año na base sa isinagawa nilang imbestigasyon, walang kaugnayan si dating PNP Chief Gen. Oscar Albayalde sa “Ninja Cops” o mga pulis na sangkot sa pagre-recycle ng ilegal na droga at dahil dito ay wala raw dahilan para sampahan nila ito ng kaso.
Kumbaga, parang sinabihan na rin ni Sec. Año si Sen. Richard Gordon, na nagpupursiging makasuhan si Gen. Albayalde, na huwag itong (Sen. Gordon) nagpapaniwala sa tsismis, boom!
◘◘◘
‘PALAKASAN’ SA LIDERATO NI PNP-OIC GAMBOA—Sa liderato ni Lt. Gen. Archie Francis Gamboa bilang PNP-Officer-in-Charge (OIC), may umiiral na ‘palakasan system.’
Mantakin ninyo, napakarami pang heneral na mula sa PMA Class ‘86, ‘87, ‘88, pero ang ilan sa itinalaga niyang regional commanders ay mula sa PMA Class ‘89 at ‘90, buwisit!
◘◘◘
NGAYONG PANAHON NI GOV. ESCUDERO, BALIK-JUETENG NA NAMAN SA SORSOGON — Balik-operasyon na naman daw ang jueteng nina “Leony” at “Liao” sa Sorsogon.
Dati, wala nang jueteng sa Sorsogon, pero nang maging gobernador dito si Chiz Escudero, namayagpag na naman ang jueteng, boom!





Comments