top of page
Pokwang.jpg

Bibigyan ng trabaho — DOLE.. P200 milyon para sa mga nilindol

M. Moratillo
Nov 6, 2019
1 min read

Maglalaan ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng P200 milyong halaga para sa employment assistance sa mga manggagawang naapektuhan ng magkakasunod na pagyanig sa Mindanao.

Sa kanyang pagbisita sa mga lugar na sinalanta ng lindol, una nang inatasan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga opisyal ng DOLE roon na madaliin ang emergency employment para sa mga nawalan ng trabaho na mabigyan ng livelihood assistance sa mga nasa informal sector.

Kasabay nito, sinabi ng kalihim na P500 milyon ang kakailanganing pondo para masakop lahat ng mga nangangailangan ng assistance at emergency employment sa mga apektadong lugar.

Kaugnay nito, inaprubahan na ng Overseas Workers Welfare Administration ang pagbibigay ng calamity assistance sa pamilya ng mga OFW na aktibong miyembro ng OWWA sa mga lugar na sinalanta ng lindol P300,000 kada pamilya ang ibibigay ng OWWA para sa mga ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page