6 katao sugatan sa karambola
General Santos City—Anim katao ang sugatan sa naganap na karambola ng limang sasakyan kamakalawa sa Bgy. Mabuhay.
Sa kasalukuyan ay inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga biktima.
Ayon sa ulat, isang kotse ang aksidenteng bumangga sa likurang bahagi ng van at sa lakas ng pagkakabangga ay nadamay na nabangga ang pick-up, motorsiklo at tricycle na kinalululanan ng mga biktima.
Kaagad sumaklolo ang mga residente sa nasabing barangay at dinala sa pagamutan ang mga biktima, samantalang, mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang driver ng kotse.
Kasalukuyan nang pinaghahanap ng mga awtoridad ang driver ng kotse na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries and damage to properties.





Comments