4 na sasakyan na may dalang relief goods nagkarambola
- Jeff Tumbado
- Nov 6, 2019
- 1 min read

Apat na sasakyan na may kargang relief goods na nakatakda sanang magdala ng tulong sa mga nasalanta ng lindol sa Makilala, Cotabato ang nagkarambola sa gitna, kamakalawa ng hapon.
Kabilang sa mga nasangkot sa insidente ang dalawang pick-up trucks at dalawang vans na bahagi ng convoy sa relief operations.
Ayon kay Cotabato City Police Office Chief Col. Portia Manalad, ang itinuturong dahilan ng nabanggit na insidente ay ang biglaang paghinto ng isang kotse sa gitna ng national highway na sakop ng Bgy. Bulatukan patungong Davao City.
Huli na umano para makapagpreno ang mga nasangkot dahil bigla rin umanong huminto ang kotse na nasa kanilang harapan kaya nagresulta ito sa banggaan.
Hindi naman naplakahan ang kotse na dahilan ng karambola dahil humarurot na ito.





Comments