top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Riding-in-tandem strikes again.. Empleyado ng DOLE at tserman niratrat, todas

Mylene Alfonso / Jeff Tumbado
Nov 5, 2019
1 min read

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang babaeng opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) makaraang tambangan ng riding-in-tandem habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan kagabi sa panulukan ng Singalong at General Malvar Street Malate, Manila.

Batay sa inisyal na ulat ng Manila Police District-Station 5, kinilala ang biktima na si Helen Dacanay, senior labor and employment officer, na isinugod pa sa Ospital ng Maynila (OSMA) pero ‘di na naisalba ng mga doktor dahil sa tama ng bala sa ulo at katawan. Habang hindi naman tinamaan ng bala ang kasama nito sa sasakyan na si Labor Arbiter Agatha Ann Daquigan.

Ayon kay PLt. Colonel Ariel Caramian, galing umano sa kanyang tanggapan ang biktima nang maganap ang insidente.

Nalaman na nasa lugar na ang biktima nang dikitan ng mga suspek saka pinagbabaril bandang alas-6:00 ng gabi.

Samantala, todas din sa pamamaril ang isang barangay chairman sa San Ildefonso, Bulacan, kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Rosteo Salao, 67, chairman ng Bgy. Lapnit, dahil sa tatlong tama ng bala ng baril sa kanyang ulo at katawan.

Ayon kay Police Col. Chito Bersaluna, binaril ng lalaking angkas sa motorsiklo si Salao bandang alas-6:00 ng umaga ilang sandali pa lamang na lumabas sa kanyang bahay.

Inaalam pa ang motibo sa paglikida sa biktima na sinasabing pangalawa na sa barangay chairman sa napapatay sa bayan ng San Ildefonso sa loob ng dalawang linggo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page