Online seller tinodas

Dead-on-arrival sa ospital ang isang online seller matapos pagbabarilin ng riding-in- tandem sa Maharlika Highway, Bgy. Concepcion 1, Sariaya, Quezon.
Alas-10:25 ng umaga, nakaupo sa tricycle na nakaparada sa Simbahan ang biktimang si Maricel Tolentino, 30, ng Bgy. Isabang, Tayabas City.
Sumulpot ang mga suspek saka pinagbabaril ang biktima bago nagsitakas.
Nadala pa ito sa pagamutan subalit, hindi na rin umabot ng buhay.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.





Comments