Netizen na nakisawsaw, tinarayan, tumahimik daw sa pakikialam… Lalaking utol, suko na sa giyera nina
Nitz Miralles / Bida

May netizen na nag-comment kay JJ Barretto, kapatid na lalaki ng Barretto sisters na sina Gretchen, Marjorie at Claudine at ama ni Nicole na na-link kay Atong Ang, ng: “Sir, bakit ganu’n, may pasabog na naman si Claudine? Bakit hindi sila ma-stop-stop? Kawawa naman (ang) pamilya ninyo, pag-uusapan na naman.”
Ang sagot ni JJ, “May sarili silang isip. I tried to stop everyone. I can only do so much. The rest is up to GOD,” na parang give-up nang maaayos pa ang sigalot ng kanyang mga kapatid na babae.
Sa nag-comment na akala niya ay tahimik na ang mga Barretto, pero bakit maingay pa rin sina Gretchen at Claudine, parang nairita na rin si JJ sa pakikialam ng netizen kaya sinagot niya ito. “Kaya dapat, tumahimik ka rin para hindi na lumabas ang baho mo at maging karespe-respeto ka rin.”
“No” naman ang sagot ni JJ sa nag-comment na pakiusapan niya si Claudine na tigilan na ang pagpo-post para matigil na ang tinawag ng netizen na “Barretto feud.”
Mukha ngang matagal pa matatapos ang word at online war ng mga Barretto lalo’t sinagot ni Claudine ang post ni Marjorie na “Take your proper medications please. Nahihilo ka na sa kuwento mo.”
Sagot ni Claudine, “Oh my! What happened? Why did you TAG YOURSELF, Marjorie? Tsk-tsk, don’t worry I drank my meds. So should you. Mock me all you want BUT NOT PEOPLE WITH MENTAL ILLNESS. Don’t your children see a psychiatrist? #stopthestigmamentalillness #mentalillnessisnotajoke.”
O, ‘di ba? Ang daming nalalaman ng tao sa mga Barretto na dapat silang magkakapamilya lang ang nakakaalam?
Gaya nitong may medications palang tine-take si Claudine dahil yata sa depression at ang mga anak naman daw ni Marjorie ay nagpapa-check-up din sa psychiatrist.
Saka, kung tototohanin ni Marjorie ang sinabing “Second, find your witnesses and evidences” at “I will see you in court, the rest of the family will stand by me as witnesses,” mukhang idedemanda niya si Claudine at kakampi niya ang kanyang pamilya.
Hindi nagustuhan ni Marjorie ang post ni Claudine na sasaktan ng ate niya ang mom nilang si Mrs. Inday Barretto at ang binanggit ni Clau na kapalit ng pagbabayad ni Julia Barretto ng hospital bills ng lolo nitong si Miguel Barretto ay ang bahay ng parents nila sa Subic.
Of course, kung kakampi ni Marjorie ang karamihan sa Barretto family, ang ate niyang si Gretchen Barretto ang kakampi ni Claudine.





Comments