2nd Crown ng Union Bell sa 2nd Leg Juvenile Race

Muling hinablot ang ikalawang korona ng 2019 Philracom 2nd Leg Juvenile Fillies and Colts’ Stakes Race sa ikalawang pagkakataon ng Union Bell sa Metro Turf Club Inc. Malvar, Batangas sa tagpong naganap noong Linggo. Naorasan sa bilis na 1 minuto at 23 segundo ang Union Bell sa distansiyang 1,400 meters pumangalawa ang Four Strong Wind at pumangatlo ang Exponential at pumang-apat ang Carmela’s Fury.
Tinanggap ng Union Bell ang halagang P600,000, samantalang ang 2nd place na Four Strong Wind ay may P225,000, habang nag-uwi ang Exponential ng P125,000 bilang 3rd place at tinanggap ang P50,000 ng Carmela’s Fury bilang 4th place.
Samantala, nanalo ang Summer Romance sa 6th Pasay-The Travel City Cup laban sa Und Kantar sa Race 11. Tumanggap ng P420,000 ang Summer Romance habang napunta ang P157,500 bilang 2nd place sa pumangalawang Und Kantar at pangatlong dumating ang Stella Malone na tumanggap ng P87,500 at P35,000 sa 4th place na Truly Ponti.
Naghari ang 2nd leg Triple Crown champion na Boss Ompong sa katatapos na 6th Pasay City Rep.Tony Calixto Cup na naorasan ng 1:37. Pumangalawa ang Shanghai Grey, pangatlo ang The Accountant at dumating na pang-apat ang My Jopay.
Habang itinanghal na kampeon ang Miss Campbell sa 5th Eduardo ‘Duay’Calixto Cup at pumangalawa ang Mark of Excellence, dumating na pangatlo ang Harapin Mo at Queenboro.
Kabilang sa mga nagwagi ang Sheer sa Race 1 at Gee’s Song sa Race 3 habang sa Race 4 ay nagwagi ang Change the Racer. Habang sa Race 6 nagwagi ang Old Time, nanalo ang Jawo sa Race 7, Sari Baby sa Race 9 at Matrialcal sa Race 10 habang sa Race 12 ay Havana Oohnana.





Comments