top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

16-anyos ni-rape, kelot arestado

Maeng Santos
Nov 5, 2019
1 min read

Timbog ang isang lalaki sa Navotas City dahil sa panghahalay sa isang 16-anyos na dalagita, ilang buwan na ang nakalipas.

Kinilala ni Navotas City Police Chief Col. Rolando Balasabas ang suspek na si Romeo Sundiam, Jr., 22, ng Bgy. Tangos.

Nabatid na Marso 9 nang maganap ang panghahalay ng suspek sa biktima na itinago sa pangalang ‘Karen’ kung saan paulit-ulit umanong ipinasok ng lalaki ang kanyang daliri sa kaselanan ng dalagita.

Nang malaman ng suspek na nagsumbong ang biktima sa kanyang mga magulang ay nagtago ito.

Nang isampa ang kasong apat na bilang na rape at sexual assault laban kay Sundiam sa piskalya, wala itong naging tugon sa reklamo kaya iniakyat ang kaso sa sala ni Navotas RTC Judge Cecilia Parallag ng Branch 9-Family Court na naglabas ng warrant of arrest laban sa kanya.

Naitala ang pangalan ni Sundiam bilang No. 1 sa Top Ten Most Wanted Person ng Navotas Police. Nang makatanggap ng impormasyon na bumalik sa kanilang lugar ang suspek, agad nagkasa ng operasyon sa pangunguna nina P/Lt. Charlie Bontigao at P/EMSgt. Alvin Bautista na nagresulta sa pagkakaaresto kay Sundiam.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page