top of page
Pokwang.jpg

Satanas, hindi dapat katakutan dahil nananakot lang para pigilan ang tagumpay

Socrates Magnus
Nov 4, 2019
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Lyn ng Lynda_Condo@ facebook.com

Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na nakita ko si Satanas na may sungay at buntot? Nakahubad din siya at kamukha niya ‘yung ipinakikita sa TV. Sana ay masagot n’yo ito. Salamat!

Naghihintay, Lynda

Sa iyo Lynda, Mula noon at hanggang ngayon, ang larawan ni Satanas ay sobrang pangit, may buntot at sungay na nakaka-takot dahil mukhang kakain ito ng tao.

Alam mo, hindi lang naman ikaw ang nanaginip kay Satanas. Ang totoo nga si Carl Jung na mas kilala bilang Father of Psychoanalysis ay nagsabi na napanaginipan din niya si Satanas.

Sa una, inamin niya na natakot siya, pero nang maisip niya na ang mga hayop na may sungay ay mga vegetarian, nawala ang takot niya at sinabi niya kay Satanas, “Tinatakot mo lang ako dahil hindi mo ako puwedeng kainin dahil ikaw ay vegetarian dahil may sungay ka.”

Dagdag pa niya, “Masisira ang tiyan mo at lalambot ang katawan mo at manghihina ka,” tapos, sinabi rin ni Mr. Jung na “Oh, ayan, kitang-kita ko na ang mga paa mo ay may takong na parang sapatos, ibig sabihin, talagang vegetarian ka.”

Totoo kaya na ang mga hayop na may sungay at may takong sa mga paa ay mga halaman ang kinakain? Ano sa palagay mo?

Napaisip din ako nang mabasa ko ang kasaysayan ni Mr. Jung at Satanas. Totoo man o hindi, dinadaya ka ng iyong sarili kung saan tinatakot ka lang nito upang hindi ka makakilos para maabot mo ang pangarap mo.

Dahil ang isa pa sa sinabi ni Mr. Jung ay ito, kaya natin napananaginipan si Satanas ay dahil nag-aabang siya sa landas ng buhay na ating tinatahak, gayundin, ang mga taong sanhi ng ating kabiguan ay matatawag na alagad ni Satanas.

Sabi ng panaginip mo, walang magagawa sa iyo si Satanas kundi ikaw ay takutin lang upang hadlangan ang iyong malalaking tagumpay.

Dahil dito, huwag mong kalilimutan ang mga salitang, “Be not afraid, fear not, ‘cause success is simply bravery and courage!”

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page