Residential at talipapa, nasunog

Photo: @arraperezDZMM
Nasunog ang isang residential area na katabi lamang ng Datu Tahi Talipapa sa Bgy. Commonwealth, Quezon City.
Pasado alas-5:00 kahapon ng hapon nang sumiklab ang sunog mula sa isang bahay na nasa kalagitnaan ng residential area at mabilis na kumalat sa katabing talipapa.
Batay sa imbestigasyon ni Fire Officer 3 (FO3) Rolando Valena, umabot sa ikatlong alarma ang sunog na mabilis na narespondehan ng mga bumbero. Alas-6:31 ng gabi nang ideklarang under control ang sunog kung saan naabo ang mga kabahayan dahil pawang gawa sa light materials habang tinatayang 90 pamilya ang nawalan ng tirahan.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente bagama’t, isa sa hinihinalang sanhi ay ang ilegal na koneksiyon ng kuryente at overloading.





Comments