Patay sa lindol sa Mindanao, 21 na
- Jeff Tumbado
- Nov 4, 2019
- 1 min read

Umakyat na sa 21 ang mga nasawi sa dalawang magkasunod na lindol na yumanig sa malaking bahagi ng Mindanao.
Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), hanggang Sabado ay nasa 21 na ang kumpirmadong namatay sa Magnitude 6.6 na lindol noong October 29 at Magnitude 6.5 na lindol noong October 31.
Tatlo ang death toll sa Region XI habang 18 ang namatay sa Region XII.
Umabot naman sa 432 ang bilang ng mga nasugatan habang nananatili sa dalawa ang nawawala.
Samantala, nakaapekto ang mga lindol sa 29,479 na pamilya o 147,395 na indibidwal sa 149 na barangay sa Regions XI at XII.
Sa naturang bilang, 4,257 na pamilya o 21,285 katao ang nasa evacuation centers.
Nasira naman ang 28, 224 na imprastruktura kabilang ang 27,350 na bahay, 757 na eskuwelahan, 37 health facilities, anim na simbahan, 26 na establisimyento, 18 na kalsada at tulay at 30 iba pang public structures.





Comments