Miss Campbell, una sa 5th Duay Calixto Cup
- Ding Taboy
- Nov 4, 2019
- 1 min read

Itinanghal na kampeon ang Miss Campbell sa katatapos na 5th Eduardo ‘Duay’ Calixto Cup ng 6th Pasay The Travel City Racing Festival sa Metro Manila Turf Club Inc., Malvar, Batangas kahapon.
Sa pagbukas ng starting gate sa panimula ng karera sa Race 2 nagbukas ng magandang laban ng mga kalahok na Mark of Excellence Harapin Mo at Miss Campbell.
Sa kalagitnaan ng laban nauuna ang liyamadong Mark of Excellence, Harapin Mo at Miss Campbell at Queenboro. Pagsungaw sa huling likuan dito na kinuha ng Miss Campbell ang unahan mula sa nauunang Mark of Excellence hanggang sa tuluyan nang umalagwa at tawirin ang finish line.
Samantala maganda ang ipinakitang galing ng kabayong Helushka makaraang manalo sa Race 1.
Walang nakadikit kay Helushka nang tawarin ang finishline. Nanalo ang Crown in my Head sa Race 2 nang biguin ang Del Monte sa Race 2 at walang nakapigil sa Barrio San Jose nang tawirin ang finish line.
Nagwagi ang Batang Novaliches sa Race 4 habang sa Race 5 nanalo ang Mapangunawa ang nagwagi. Nanalo ang Royal Chica sa Race 6 at Tornado Sprinter ang nanalo sa Race 7 at sa Race 8 naghatid ng magandang dibidendo sa Winner Take All ang pagkakapanalo ng Concepcion.





Comments