top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mga negosyo target, sinisiraan sa FB.. 6 tinuluyan sa cyberlibel — NBI

Mylene Alfonso
Nov 4, 2019
1 min read

Dumulog ang mga opisyal ng isang kumpanya ng beauty supplements sa National Bureau of Investigation (NBI) upang magsampa ng kasong cyberlibel laban sa ilang katao.

Nagreklamo ang Noveau Philippines Corporation (NPC) at Noveau Japan Company Limited (NJCL) na kapwa distributor ng mga beauty enhancement product kasama sina Atty. Ferdinand Topacio at Atty. Julius Danas.

Batay sa reklamong inihain kina Special Investigator Rojun Hosillos at agent in charge Baden Alonzo, may mga nag-post umano sa Facebook na ang NPC ay sangkot sa mga kasong estafa habang ang NJCL ay “under surveillance” ng Securities and Exchange Surveillance Service sa Japan dahil sa mga anomalya.

Ang nasabing mga kumakalat na paratang ay pinasinungalingan ng nasabing mga kumpanya.

Sa impormasyong nakalap sa NBI, ang kinilalang mga responsable sa naturang cyberlibel ay may mga alyas na sina Beverly Santos, Karen Gabriel, Avelina Obregon, Stella Marie Ancla, Gerry Yap at Chloe. Siniguro naman ng NBI na mahahanap nila ang mga hinihinalang salarin at matutukoy ang tunay na mga pangalan at address ng mga ito upang masampahan ng kaukulang kaso.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page