top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Lalaki nag-bomb joke sa eroplano, kulong

  • June Simon
  • Nov 4, 2019
  • 1 min read

Isang lalaki ang inaresto ng Davao Airport Aviation Police makaraang magbiro na may bomba sa loob ng eroplano.

Sa kabila ng paliwanag ni Ramon Barrios na isa lamang itong biro, dinala pa rin ito sa himpilan ng aviation police para panagutin sa kaso.

Ang bomb joke ay isang seryosong krimen na may katapat na kaparusahan.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philipines (CAAP), operator ng Davao Airport, nakatanggap sila ng report na isang pasahero ng Davao-Cebu flight ang dahilan ng pagkakaroon ng panic sa loob ng Air Phil Flight GAP2364 bandang alas-8:00 kahapon ng umaga.

Batay sa report, narinig ng cabin crew at ilang pasahero ang sinabi ni Barrios na, “may bomba dito sa eroplano”.

Dahil sa safety reason, tumawag ang piloto sa PNP-Aviation Unit para i-report ang insidente.

Halos dalawang oras na-delay ang flight sanhi ng ipinatutupad na regulation security check sa eroplano kung saan lahat ng pasahero ay kailangang bumaba at ang mga bagahe ay dinala sa tarmac saka isinailalim sa matinding inspeksiyon.

Sa bandang huli, walang nakitang explosives o bomba ang aviation police.

Dagdag pa ng CAAP, nang tanungin ng pulisya si Barrios kung bakit siya nag-bomb joke sa kabila ng ipinagbabawal ito, sinabi niya na nagbibiro lang siya.

Si Barrios ay nahaharap sa kasong kriminal, samantalang, ang Flight GAP2364 ay nakalipad mula sa Davao patungong Cebu alas-9:47 ng umaga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page