top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kakapusan ng utak hindi pondo, ang malaking problema ng ‘Pinas

Ka Ambo
Nov 4, 2019
1 min read

Humihingi ng saklolo ang mga taga-Mindanao.

Nasaan ang disaster preparedness?

Waley!

◘◘◘

KUNWARI lang ang preparasyon sa kalamidad.

Pera-pera lang ‘yan at yabang!

◘◘◘

KUNG talagang preparado tayo sa kalamidad, sana ay kalmante ang buong Mindanao.

Walang saysay ang disaster preparedness program!

◘◘◘

KAPAG tinamaan ng mahigit Magnitude 6 earthquake ang Metro Manila, malaking krisis na ito.

Hindi maaasahan ang paghahanda sa kalamidad.

Kabaliwan lang ‘yan!

◘◘◘

DAPAT araw-araw ang preparasyon sa kalamidad.

Dapat isabay ito sa flag ceremony sa lahat ng eskuwelahan at mga pampubliko at pribadong tanggapan!

◘◘◘

ANG isa pang krisis na hindi mareresolba ay ang kakapusan ng tubig.

Hanggang ngayon, wa’ ‘wenta ang mga opisyal ng gobyerno.

Napakalawak ng Laguna de Bay, Taal Lake at maging ang mga malalaking ilog at sapa pero hindi ito ginagamit na mapagkukunan ng tubig!

◘◘◘

ANG paggawa ng dam ay isa nang laos na sistema sa pag-iimbak ng tubig.

Sa totoo lang, ang tubig-ulan na bumabagsak ay dapat naiipon kung saang lugar ito bumagsak.

Kumbaga, ang lahat ng LGUs ay dapat maglaan ng “rainwater harvesting area” at ito mismo ang gagamitin sa panahon ng tag-araw.

Ito rin mismo ang pangontra sa baha!

◘◘◘

HINDI kakapusan ng pondo ang problema sa ating bansa.

Ang problema ay ang grabeng kakapusan ng utak!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page