top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Ingat-ingat sa mga manloloko… Tips sa paghahanap ng tamang travel agent para sa inyong bakasyon

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 4, 2019
2 min read

No Problem

Bakasyon season na naman, kaya for sure, marami nang nagbabalak mag-travel. At para sa mga first time travelers, siguradong naghahanap na kayo ng travel agent na fit sa inyong preference.

Sa panahon ngayon, napakaraming travel agencies na may magagaling na agents, pero ang tanong, paano malalaman kung fit sa inyo ang agent? Mga bes, narito ang ilang tips para sa inyo:

1. RECOMMENDATION. For sure, marami kayong kakilala na nagta-travel, kaya mga besh, makatutulong ang paggamit ng rekomendasyon sa paghahanap ng travel agent na swak sa inyo. Puwede ka ring maghanap ng mga rekomendasyon sa internet sa pamamagitan ng blogs. Tiyaga lang, besh!

2. ALAMIN ANG BUDGET. May ilang travel agencies na namimili ng kliyente depende sa kanilang budget. Gayundin, ang pagbibigay ng estimated budget para sa iyong trip ay makatutulong para madaling ma-breakdown ang iyong expenses, gayundin, para makapagbigay agad ng suggestion para sa itinerary ang iyong agent.

3. INTERBYUHIN. Besh, huwag kang magmadali sa paghahanap ng agent. Puwede kang maghanap ng marami, saka mo interbyuhin tungkol sa kung gaano na sila katagal sa trabaho, kung nagtsa-charge sila ng booking fees. Huwag kang mahiya dahil karapatan mo ito bilang kliyente. Gayundin, bigyang-pansin ang paraan niya ng pag-respond dahil dito mo makikita kung binibigyang-halaga niya ang iyong trip.

4. ALAMIN KUNG PAANO MAG-REACT UNDER PRESSURE. Isa ito sa mga paraan para malaman kung meant to be kayo ng travel agent. Siguradong hindi maiiwasan ang mga aberya kaya kapag nangyari ito, kontakin agad ang agent. At para malamang siya ang right agent para sa iyo, dapat ay alam niya ang kailangang gawin. Pero, kung binalewala ka niya, it’s a sign na hindi kayo meant to be. Awww!

5. MAGING OPEN-MINDED. Asahan mong tatanungin ka ng travel agent tungkol sa iyong mga hilig at fitness ability bago siya mag-suggest ng ideya para sa itinerary. Minsan, may maisa-suggest silang hindi mo trip, pero huwag kang magalit at buksan ang iyong isipan. Malay mo, magustuhan mo ang suggestion nila, ‘di ba?

Mga besh, hindi madaling humanap ng travel agent, lalo na kung picky ka. Pero tandaan, walang perpektong tao, kaya kung ano ang meron sa option n’yo, make it work. Sa paghahanap ng agent na gagabay sa iyo, make sure na ikokonsidera n’yo ang mga ito. Have a safe trip, ka-Bulgar! Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page