Halloween episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho, mas bumenta pa… Horror movies, nilangaw nu'ng unda
- Erlinda Rapadas
- Nov 4, 2019
- 1 min read

Bagsak at malamig sa takilya ang resulta ng mga horror movies na ipinalabas noong Undas. Nasabayan kasi na showing pa rin ang ilang malalaking Hollywood films. Tuloy, may mga nag-comment na mabuti pa raw ang Halloween episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho, Gabi ng Lagim VII ay nag-trending nang husto.
Talaga namang may takot factor ang mga kuwentong itinampok sa Gabi ng Lagim VII ng KMJS.
Dapat ay gumawa na lang ang ilang movie producers ng mga pelikulang hango sa katatakutang tampok sa Gabi ng Lagim o kaya ay ‘yung katulad ng Shake, Rattle and Roll series ng Regal Films.





Comments