top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Away sa kalsada.. Tanod binaril sa dibdib, todas

  • Janice Baricuatro
  • Nov 4, 2019
  • 1 min read

Patay matapos mapuruhan ng tama ng bala sa dibdib ang isang barangay tanod mula sa nakaalitan nitong hindi nakilalang suspek na nang-blocked umano sa daanan ng biktima, kahapon ng madaling-araw sa Interfashion, Bgy. H2, Dasmariñas, Cavite.

Kinilala ni PLt. Col Nerwin Ricohermoso, ang biktimang si Samim Sarilama, 23, may asawa, tubong Lanao del Norte, tanod at residente ng Bgy. H2.

Hindi naman nakilala ang suspek na matapos isagawa ang krimen ay tumakas sakay ng van.

Sa imbestigasyon, bandang alas-3:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng Interfashion, Bgy. H2 kung saan sakay ang biktima ng minamaneho nitong tricycle kasama ang pamangkin na si Abdul Khair Jaffar, nasa hustong gulang at pauwi na umano ang mga ito.

Habang bumabagtas ay nakasabay ng mga ito ang suspek na nagmamaneho ng closed van nang ma-blocked nito ang binabagtas ng mga biktima.

Binusinahan umano ito ng biktima subalit, hindi pa rin ito umalis kaya bumaba ang biktima at pinuntahan ang suspek.

Nauwi sa argumento ang dalawa hanggang sa bigla na lamang barilin sa dibdib ang biktima. Nang bumulagta ito ay mabilis na tumakas ang suspek.

Agad naman itong dinala ng kanyang pamangkin sa pagamutan subalit, idineklara itong dead-on- arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page