Todo-pasa kay Leni para may masisi.. Drug war ni Digong palpak! — De Lima
- Mylene Alfonso
- Nov 3, 2019
- 2 min read

Tinawag ni Senadora Leila de Lima na malaking kapalpakan ang madugong giyera kontra ilegal na droga ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya ipinapasa ang obligasyon nito kay Vice-President Leni Robredo.
Ayon kay De Lima, ang totoong layunin umano ng Pangulo ay pahiyain si Robredo at ang kanyang mga kritiko. At sa bandang huli ay isisisi umano nito sa Bise-presidente ang kabiguan nito sa war on drugs sa kabila ng libu-libong mahihirap na tao ang napatay.
“Duterte’s continuous dangling of the supposed ‘Drug Czar’ Cabinet post for VP Leni Robredo is both the saddest and stupidest things this administration has churned out lately,” ani De Lima.
“The real reason why Duterte is even floating this idea of offering VP Robredo that post is because he wants to shame her and all other critics of his flawed drug war, and create the narrative of putting all the blame of his failures to someone else, instead of admitting that he lied about winning the drug war, despite killing thousands of people,” sabi pa ng detinidong Senadora.
Samantala, iginiit naman ng kampo ni Robredo na hindi ito ang dapat sisihin sa umano’y bigong kampanya laban sa ilegal na droga.
Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, makatitiyak ang administrasyon na handa silang tumulong sa drug war pero, ang hindi aniya matanggap ng Pangalawang-pangulo ay ito pa ang masisi sa huli dahil sa kabiguan ng pamahalaan na maresolba ang problema.
Pahayag ito ng abogado kasunod ng sinabi ni P-Duterte na bibigyan niya ng cabinet post si Robredo at handa niyang ibigay sa Bise ang kanyang law enforcement power sa natitirang mga araw ng termino nito.
Paliwanag ng kampo ni Robredo, dati na itong nagpahayag ng pag-aalala sa drug war suablit, hindi ito pinansin.
May mga iminungkahi na umano si Roberdo sa Department of Interior and Local Government (DILG) kung paano mapagbuti ang kampanya pero, hindi ito inaksiyunan at isinantabi pa ito sa talakayan, kalaunan.
Tinutukoy ni Gutierrez ang sulat noon ni Robredo kay dating Interior Sec. Ismael Sueno kung saan nakasaad ang mga isyu tungkol sa Oplan Double Barrel.
Dagdag pa nito, dapat ay hindi idinaan sa text message ang alok kay Robredo at dapat munang magpahinga ang Pangulo ngayong holiday kaysa muling binatikos ang Pangalawang-pangulo.





Comments