top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Simbahan inatake, kelot kulong

Maeng Santos
Nov 3, 2019
1 min read

Arestado ang 26-anyos na lalaki matapos pagbabatuhin ang Dambana ng Banal na Krus Church kung saan nabulabog ang nakikinig na mga deboto sa Ebanghelyo ng Diyos sa Malabon City.

Nasa kasagsagan ng pagtuturo ng Ebanghelyo o Mabuting Balita ng Diyos si Rev. Deacon Jhonny Roxas sa mga deboto sa Sitio 6, Bgy. Catmon nang pagbabatuhin ni Jeomar Dacara, 26.

Natakot ang ilang kababaihang deboto lalo na nang tumapat pa sa harap ng simbahan si Dacara at muling nagpakawala ng malalaking bato sa loob na mismo ng simbahan.

Humingi ng tulong sa Malabon Police Community Precinct 9 ang sakristan na si Johnmiz Perez, 19, na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Ayon kay Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao, hindi pa alam ang motibo sa ginawang pambabato ng suspek habang hihintayin nila ang resulta ng medical examination nito kung lango sa alak o droga habang inihahanda na ang kasong paglabag sa Article 133 ng Revised Penal Code o ang Offending the Religious Feelings at unjust vexation laban kay Dacara.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page