top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

P-Digong, Batasan ang hiniling kay Lord na lindulin Mindanao ang giniba

Ka Ambo
Nov 3, 2019
1 min read

Ilang ulit nang nagkaroon ng lindol sa Mindanao.

Pero, ‘yung isang pastor, sinabi niyang siya raw ang nagpatigil sa lindol!

◘◘◘

HINDI problema kung mayroon mang mabaliw sa lindol.

Ang problema ay kapag pinaniwalaan ng marami ang sinasabi ng baliw!

◘◘◘

KUNSAbagay, maging si Nunung Noe ay binansagang baliw sa kanyang kapanahunan.

Maaaring tumatawa lang si pastor kapag sinabing siya ay nababaliw!

◘◘◘

SINASABING libu-libong katao ang mamamatay kapag tumama ang Big One sa Metro Manila.

Siguradong hindi sapat ang kabaong kapag ganyan!

◘◘◘

NANG mag-SONA si P-Digong noong Hulyo, ipinagdasal niyang tumama sana ang malakas na lindol sa Batasan Complex.

Hindi kaya akala ni Lord ay nasa Mindanao ang plenaryo?

◘◘◘

HINDI nagpa-bully ang isang kapitan sa Chinese navy na humarang sa kanilang biyahe sa Scarborough Shoal.

Dapat siyang parangalan at ideklarang “Buhay na Bayani” sa WPS!

◘◘◘

NADAKIP ang dalawang hinihinalang ISIS terrorists.

Huh, talaga?

◘◘◘

MAGKAKAROON ng oil price rollback ngayong linggo.

Salamat sa Diyos!

◘◘◘

MATAPOS ang pekeng ulat na binastos sa Japan si P-Digong, may pekeng ulat muli na binastos daw siya sa Thailand.

Talaga bang bastusan na ang buhay ngayon?

◘◘◘

WALA pa ring naitatalagang bagong PNP chief.

Bakit kaya?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page