Matapos sa El Niño at dengue.. Cotabato nilindol, nasa state of calamity
V. Reyes
Nov 3, 2019
1 min read

Isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Cotabato na isa sa mga lubhang napinsala ng dalawang lindol nitong linggo.
Ayon kay Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza, ito na ang ikatlong deklarasyon ng state of calamity sa lalawigan, kasunod nang dahil sa pinsala ng El Niño at outbreak ng dengue.
Kaugnay nito, maaari nang magamit ng lalawigan ang emergency funds para ipantulong sa mga residenteng apektado at pagsasaayos sa mga napinsalang imprastruktura.





Comments