Manager patay sa sunog
- Levi Gonzales
- Nov 3, 2019
- 1 min read

Nadala pa sa pagamutan ang 51-anyos na manager matapos masunog sa kanyang resthouse sa Bgy. Pantalan, Nasugbu, Batangas.
Alas-11:30 ng umaga habang nasa unang palapag ang kaanak at kasambahay ng biktimang si Renato Fidel Velasco, manager ng Tabangao Refinery, nang mapansin ang usok na nagmumula sa ikalawang palapag ng bahay.
Umakyat ang mga ito upang iligtas si Velasco na natutulog sa silid subalit, kumalat na ang apoy sa kabuuan ng bahay.
Humingi sila ng tulong sa mga awtoridad hanggang sa dumating ang pamatay-sunog at mabilis pang nadala ang biktima sa pagamutan.
Gayunman, halos natusta ang buong katawan nito kaya hindi na rin naisalba.
Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng apoy at halaga ng pinsala.





Comments