top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hindi raw si Bubbles, Neri… Chito, inamin na kung sino ang kahalikan sa piktyur

  • Beth Gelena
  • Nov 3, 2019
  • 2 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @chitomirandajr

Nakakabaliw ang ilang netizens. Noon pa man, gusto na talaga nilang ‘lasunin’ ang isipan ng misis ni Chito Miranda na si Neri. Lagi nilang ginagawan ng isyu ang pagiging magkaibigan nina Chito, Bubbles at Angel Locsin tulad nu’ng nag-Halloween party ang magkakaibigan.

Ayon sa netizen: “Saw your husband last night making out with Bubbles. Although in my mind, I know they are very, very close friend. Hmmmm… (smile emoji) And naisipan kong pumunta to check your husband’s IG. May post pala siya about Bubbles congratulating her. And napaisip tuloy ako lalo.”

Sagot ni Neri, kasalanan daw ba niya kung magka­kaibigan ang mga ito? Kasa­lanan daw ba nina Angel at Bubbles kung mga sexy sila?

Ever since raw ay hindi pinag-isipan ni Neri ng ma­lisya ang pagkakaibigan nina Chito, Bubbles at Angel. Da­laga pa lang daw siya ay mag­kakaibigan na ang tatlo at never daw niyang pinagbawalang maki-hang-out ang mister.

Dagdag pa ni Neri, hindi tala­ga siya pala-labas kahit daw nu’ng dalaga pa siya at lalo na ngayong may anak na sila ni Chito.

“I love Bubbles at Angel kasi mabait talaga silang tao, hindi lang kay Chito, para sa amin na rin ni Miggy. Pati na rin si Neil (Arce), lagi nila kaming inaalala ni Miggy.”

May post kasi na photo na may kahalikan si Chito kaya marami ang nag-react. Ang akala ng mga netizens ay si Bubbles ang girl.

Eh, nag-post si Angel ng, “Nakaka­tawa ‘to. Si @paoloparaiso ‘yung kaha­likan niya. Maling-mali siya, haayyy buhay.”

Saad naman ni Chito, “Sabi na nga ba, eh. Kasi sa pagkakaalala ko, wala namang bigote si Bubbs, eh. Langyang tubig ‘yan… lakas ng amats.”

Pinatotohanan naman ni Bubbles, “(smile emojis) Actually, mali s’ya… it was @paolo­paraiso making out with @chitomirandajr. last night.”

Kaya ang isyung gustong lasunin ng mga netizens ang isipan ni Neri ay pinagta­ta­wa­nan na lang ng magka­kaibigan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page