top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Coach Cone, handa sa challenge ng Bolts

MC / ATD
Nov 3, 2019
1 min read

Haharapin ngayong Linggo ng Ginebra Gin Kings ang bigating Meralco Bolts sa Araneta Coliseum kung saan malalagay sa pahirapang laban ang bataan at kung sino ang magwawagi ay uusad ang team sa Top 4 ng playoffs. Nabigatan si Cone sa match-up na ito dahil ang Bolts ang nagdemolis sa San Miguel Beermen sa huling laro ng dalawang team, 125-99. “Now we got Meralco coming up, one of the league leaders and they’ve been playing well, they just blew out San Miguel,” ayon sa Ginebra coach na lumabas sa PBA.ph. Ang Bolts ay pamilyar nang team para sa Kings na nakasagupa na nila noon sa isang back-to-back title series noong 2016 at 2017 Governor’s Cup finals kung saan parehong napagwagian ng Ginebra.

Pinalakas pa kasi ng Bolts ang roster nang idagdag sina big man Raymond Almazan, Allein Maliksi at Raymar Jose upang maging lehitimong contenders ng season-ending conference. “We had so many battles with (Allen)Durham. And that Meralco team, it’s going to be another (big) one. And we know that,” aniya. Parehong ang Bolts at Ginebra ay patas sa 3rd to 4th places at may 5-2 cards. May dalawang sunod na panalo ang Bolts habang ang Kings ay may four game winning run. Sinabi ni Cone na kailangang pagbutihin pa ng Kings ang laro tulad ng laban sa Blackwater Elite kung nais na talunin ang Bolts.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page