Bags naman daw ang next… Regine, namigay ng 10 Louis Vuitton shoes sa fans
- Nitz Miralles
- Nov 3, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Pagkatapos nilang punuin ni Sharon Cuneta ang Smart Araneta Coliseum sa kanilang Iconic concert, ang Philippine Arena naman ang pupunuin ni Regine Velasquez sa pa-concert ng Frontrow billed All In.
Walang takot ang Frontrow na mapupuno ni Regine ang venue dahil sa November 9 na naka-schedule ang concert at kailan lang in-announce.
Concert promo yata ito ng Frontrow na mukhang endorser si Regine. Basta may kantahan, kaya manood na ang mga fans ni Songbird na nabitin sa Iconic.
Speaking of Regine, masuwerte ang 10 fans niyang nanalo ng Louis Vuitton shoes. Napili na niya ang 10 winners na by now, alam na kung sinu-sino sila. Wish ng mga supporters ni Regine, sana, pati bags ay mamigay din siya dahil nakita sa kanyang walk-in closet ang sangkaterba niyang bags and shoes na puro branded.





Comments