top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

2 chinese nadale ng salisi gang sa restoran

Gina Pleñago
Nov 3, 2019
1 min read

Nasa P50,000 cash at gadgets ang nakuha mula sa dalawang Chinese matapos mabiktima ng Salisi Gang habang kumakain sa isang restoran sa Parañaque City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Yang Zujing, 36, at Li Yang, 32, ng Quirino Ave., Bgy. Tambo.

Nahuli ang isa sa mga suspek na si Ruben Querubin, Jr., 53, ng Tanzang Luma, Imus, Cavite habang nakatakas ang dalawang kasama nito na kinilala sa alyas Richard at Ga.

Sa ulat ni Parañaque City Police Chief Col. Robin Sarmiento, nangyari ang pagnanakaw sa isang restoran sa panulukan ng Bayview Drive at Quirino Ave., Bgy. Tambo, alas- 5:00 ng hapon.

Nag-uusap habang kumakain ang dalawang biktima nang masalisihan ng mga suspek ang isa nilang bag na naglalaman ng P20,000 cash, pitaka na may P30,000 at cellphone na halagang P20,000.

Napansin agad ng dalawang biktima na nawawala ang bag kaya humingi sila ng tulong sa security guard ng naturang kainan na umaksiyon naman.

Nasakote ng mga security guard katuwang si Police Patrolman Levy Pigoh ng Police Community Precinct 2 ang suspek na si Querubin habang sakay ng kotse at aktong papatakas na.

Nakuha sa suspek ang pouch na naglalaman ng P2,300 at iba’t ibang identification cards at beauty cosmetics at ang silver na Toyota Corolla na kanyang sinasakyan.

Natangay naman ng dalawa niyang kasama ang bag ng mga biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page