Walang investors, ekonomiya ng 'Pinas, pabagsak
- Ka Ambo
- Nov 2, 2019
- 1 min read
Lumalaki na ang bilang ng mga namatay sa lindol sa Mindanao.
Nanangkupooo!
◘◘◘
INIAALOK kay VP Leni ang pagiging “Reyna ng Drug War”.
He-he-he!
◘◘◘
BUMABAGSAK ang ekonomiya ng Pilipinas dahil sa kawalan ng mga investors.
China o ang buong daigdig?
◘◘◘
GUMIGIRE na si Inday Sara para sa 2022.
Sino kaya ang kanyang VP?
◘◘◘
DIRETSO lang ang preparasyon ni Sen. Manny Pacquiao.
Boxing, pulitika o pelikula?
◘◘◘
IBINABALA na ang epidemya ng African Swine Fever sa buong Southeast Asia.
Ang ‘Pinas, wala lang!
◘◘◘
KINUMPIRMA na ang pagkamatay ng lider ng ISIS.
Nasaan ang bangkay?
◘◘◘
IKINABAHALA ang pagbagsak ng ekonomiya.
Paktaylo!
◘◘◘
SINIMULAN na ang rasyon ng tubig.
Isusunod na ang rotational brownout!
◘◘◘
NAWALA na ang bagyo.
Tag-init naman!
◘◘◘
NARESOLBA na ang trapik sa Metro Manila.
Wala kasing bumibiyahe!





Comments