Horoscope | Nobyembre 2, 2019 (Sabado)

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 2, 2019 (Sabado): Ipanatag mo ang iyong kalooban dahil sa dami ng kabutihang ginawa mo sa iyong kapwa, ang mga biyaya at pagpapala ay palaging mapasasaiyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Damdamin ang iyong susundin. Aangal ang iyong isipan, pero mas maganda ang kahihinatnan mo dahil matututong kilalanin na ikaw ay may mapagmahal na kalooban. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-18-20-23-35-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka pagdaramutan ng langit. Gawin mo lang ang pagkakawanggawa lalo na sa mga kapus-palad. Ito ay dakilang bagay na magdadala sa iyo ng maraming suwerte. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-17-21-29-30-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Mawawala ka sa konsentrasyon sa iyong mga pangarap. Sisingit sa iyo ang paghaharot at pagbibiro na para bang naghahanap ka ng saya. Makikita mo kaya ito? Ang sagot ay oo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-14-15-20-35-37.
CANCER (June 21-July 22) - Darapo sa iyo ang ilang mga suwerte na kung gugustuhin mo ay magsisimula kang yumaman nang todo. Ang kailangan mo lang ay paramihin at palakihin ang mga ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-19-21-25-39-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mapipilitan ka na muling tulungan ang taong nakalilimot sa iyo kung saan madalas ka nilang lapitan dahil hindi ka makatanggi. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-18-22-23-38-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bawasan mo ang masyadong pag-iisip at pag-aanalisa sa mga bagay na iyong nakikita. Tutukan mo ang mga bagay na kailangan mo para matupad ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-beige. Tips s lotto-5-16-21-24-25-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magtagal sa harap ng alam mong may pagtingin sa iyo, pero ikaw ay walang interes sa kanya. Napakalakas ng iyong gayuma ngayon kaya kailangan mong umiwas. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-12-14-25-30-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lilinaw ang mga paraan kung saan madali mong maaabot ang ambisyon mo sa buhay. Wala kang ibang dapat gawin kundi sundan ang liwanag ng iyong pagyaman. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-18-21-24-43-47.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pahinga ang kailangan mo. Hindi maganda ang masyadong seryoso sa trabaho. Namamahinga rin ang Haring Araw para magbalik ang init at lakas, kinaumagahan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-16-20-29-30-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Papalarin ka at tatanggap ng maraming biyaya. Ito ang nakaguhit sa aklat ng iyong buhay. Hindi maawat ng mga naiinggit sa iyo ang pagdating ng mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-15-16-20-21-23.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malulungkot ka dahil sa ibang tao. Awa ang iiral sa iyo at ang magagawa mo lang ay ipakita na may simpatiya ka. Mag-ingat ka dahil baka mahulog ang iyong loob. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-18-21-25-26-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Gawin mo ang anumang gusto mong gawin. Ang mga kontrabida sa buhay mo ay walang magagawa kundi kumontra nang kumontra. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-10-28-30-31-33.




Comments