top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Coach Guiao, hand of courage awardee ng Juan Luna Alumni

Alvin Olivar
Nov 2, 2019
2 min read

Nai-Coach ni Yeng Guiao ang Gilas Pilipinas sa isang winless campaign sa nagdaang World Cup sa China at malaking dagok ang pagkatalo na iyon para sa basketball-loving Pinoy.

Naging dahilan pa ito para magbitiw siya sa Gilas bilang national team coach. Pero iba ang nakita ng Judge Juan Luna High School Alumni Association sa pagyakap ni Guiao sa mga pagsubok.

Naging kontrobersiyal pa ang naging laban ng Gilas sa Australia na humantong pa sa halos kalahati ng Gilas players ay nasuspinde.

Nagawa pa niyang dalhin sa Asian Games ang team sa Indonesia noong 2018 kasama si NBA star Jordan Clarkson.

Tinanggap ni Guiao ang challenge na pamunuan ang pag-coach sa Gilas sa World Cup sa ikalawang pagkakataon sa loob ng 45 taon.

Dahil sa naisin niyang pagsilbihan ang bayan at team bagamat nakaladkad siya sa kontrobersiya, ginawaran si Guiaong JJLHS Alumni Association bilang seven-time PBA champion ng ‘Hand Of Courage’ Award mula kina JJLHS Alumni president Mylene Balolong-Abas at project director Batch 1992 at school principal Ruby de Jesus.

“Naka-experience rin ako ng setbacks. Talunan ang team ko sa World Cup,” ani Guiao. “Pero yung setbacks naman, temporary lang yan.

Yung team ko ngayon sa PBA, yung NLEX Road Warriors, kami na ngayon ang No. 1 sa standings. Kasama po sa buhay ang setbacks,” dagdag ni Guiao. “Pero ang importante po, bumabangon tayo. Willing tayong tumanggap ng hamon sa buhay.

Yung pagkuha ko ng head coaching position sa national team, hindi ako nag-apply dyan, halos wala na ngang gustong kumuha ng position dahil nga situation na naranasan natin nung controversy with Australia, pero tinanggap ko yung hamon para sa bayan.

Nagawa nating mag-perform ng maganda sa Asian Games at nakabalik tayo sa World Cup.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page