9-anyos dedo sa motor

Patay ang 9-anyos na lalaki matapos mabangga ng motor habang tumatawid sa Bgy. Buenavista 2, Gen. Trias City, Cavite, kahapon ng umaga.
Kinilala ni PLt. Col. Marlo Soriano, ang biktima na si Darwin Villanueva Sarmiento, 9, residente ng Bgy. Buenavista 2, Gen. Trias City, Cavite.
Hawak naman ng pulisya ang suspek na si Jhay Marvin Endrina, 22, ng Bgy. Mulawin.
Sa nakalap na ulat mula kay Col. Soriano, alas-9:15 ng umaga nang maganap ang insidente.
Tumatawid ang biktima sa nasabing lugar nang mabangga ng motor saka ito tumilapon.
Agad namang naitakbo sa Gentri Medical Center Hospital ang bata subalit, hindi na umabot ng buhay sanhi ng matinding pinsalang tinamo nito.
Hawak na ng pulisya ang driver ng motor at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.





Comments