50 kulong sa cybersex

Timbog ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 50 katao sa Makati City na pawang nagtatrabaho para sa isang international cybersex syndicate.
Ginawa ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation Cyber Crime Division, ang pagsalakay sa isang gusali sa Makati kung saan ginagawa ang operasyon ng grupo.
Sa naturang pagsalakay, nahuli sa akto ang 50 katao na nagtatrabaho bilang technical support team.
Ani Francis Señora, special agent ng NBI Cybercrime Division, nadatnan din nila ang mga software na ginagamit ng grupo.
Nakabukas pa ang mga link sa computer na may live sex cameras.
Nasamsam ng ahensiya ang mga computer at iba pang gamit na magsisilbing ebidensiya sa pagsasampa ng kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act laban sa mga suspek.





Comments