‘Pag tumakbong pangulo.. Leni huwag iboto, kawawa kayo — Digong

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na huwag iboto si Vice-President Leni Robredo sakaling maisipan nitong tumakbo bilang pangulo ng bansa.
Ayon sa Pangulo, kawawa lamang ang publiko kay Robredo.
“Ang hindi ko malaman kung namolitika ka. Pero kung namolitika, alam ko sabihin sa Pilipino, “P***** i** ka. Huwag kayong magboto d’yan kay Leni. Kawawa kayo,” ani Pangulong Duterte.
Muli rin nitong pinuna ang pambabatikos sa kanya ni Robredo matapos niyang sabihing maaaring tumanggap ng regalo ang mga pulis basta ibibigay ito bilang pasasalamat at hindi para manghingi ng kapalit.
Aniya, isa sa problema nito sa Bise-Presidente ay wala na itong magandang sinabi hinggil sa mga kapulisan.
Tila wala rin umanong alam sa batas si Robredo dahil hindi nito alam na maaaring tumanggap ng regalo ang pulis alinsunod sa Anti-Graft and Corrupt Practices Law.
“So, ‘yan ang problema ko kay Leni. Kung ‘yan ang maging presidente, hindi alam ‘yung batas, na ang pulis pala ay puwede magtanggap according to the Anti-Graft and Corrupt Practices Law,” wika pa ng Chief Executive.





Comments